Huwebes, Oktubre 18, 2012

Ang paggalang sa ating wika ay mahalaga.Kaya dapat natin itong ipagmalaki dahil sito tayo isinilang.At mahalaga rin itong mahalin at respituhin. 



Sa kasalukuyang panahon, hindi natin maipagwawalang saysay ang kahalagahan ng karunungan sa pagsasalita at pagsulat ng wikang Ingles, dahil itinuturing ito na lenggwahe ng globalisasyon.  Mismo ang ating pamahalaan ang nagsabi ng kahalagahan ng mahusay na paggamit ng Ingles upang tayo ay maging “competitive” sa buong mundo.  Ginagawa natin ito sa pagitan ng patuloy na paggamit sa Ingles bilang pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga paaralan at bilang lenggwahe ng pakikipag-ugnay sa ating mga kababayan.
Ang mahalagang katanungan sa ngayon ay kailangan pa bang ipagpatuloy natin ang hangarin sa paglinang ng Filipino bilang pambansang wika?  Kung ating gugunitain, sinimulan ng Plipinas ang pagbuo ng Tagalog o, sa kalaunan, Filipino, bilang pambansang wika noong dekada 1930 sa panahon ng pamahalaang Commonwealh.  Masakit isipin na hanggang ngayon ay hindi pa tayo nakapagsang-ayon kung ano talaga ang wikang Filipino.